Pasok ng mga empleyado sa Senado, babawasan kasunod ng pagtaas ng bilang ng mga nagpopositibo sa Covid-19

Magpapatupad ng ng mas mahigpit na health protocols ang Senado laban sa Covid-19 dahil sa pagtaas ng bilang mga mga nagpopositibo sa virus.

Pinagtibay ng Senado ang rekomendasyon ng Senate Medical at Dental Bureau na gawing  25% na lang mula sa kasalukuyang 50% ang mga empleyadong puwedeng pisikal na pumasok sa Senado.

Ayon kay Senate President Vicente Sotto III, kahapon nakapagtala ang Senado ng 39 na mga bagong kaso habang 168 ang naka-quarantine.

Ito’y kahit 100 percent ng mga empleyado ng Senado ang bakunado na.

Pinaka-apektado ang Bills and Index Bureau kung saan sa 32 na mga empleyado nito ay 20 ang naka-quarantine kasama ang kanilang head kung saan 10 na sa mga ito ang nagpositibo sa virus.

Sinabi ni Sotto na ang oobligahin na lang ng pisikal na papasok ay ang mga empleyadong may kinalaman sa pagdaraos ng sesyon.

Meanne Corvera

Please follow and like us: