Pasok sa Korte Suprema at sa iba pang mga hukuman sa NCR at Luzon, suspendido dahil sa bagyong Kristine
Walang pasok sa mga korte sa Metro Manila at buong Luzon dahil sa masamang panahong dala ng bagyong Kristine.
Kabilang sa mga nag-anunsiyo ng suspensyon ang Korte Suprema, maliban sa essential offices nito.
Gayundin, ang Sandiganbayan, Court of Tax Appeals at Court of Appeals, maliban sa one-stop processing center nito.
Kanselado rin ang trabaho at mga operasyon ng lahat ng first at second-level courts sa Luzon.
Pero maaaring ma-contact ang mga abogado at court users sa pamamagitan ng hotline numbers at email addresses.
Inatasan ng SC ang mga hukom sa mga apektadong lugar na i-monitor ang kondisyon ng court premises, para malaman kung kinakailangan na magsagawa ng clean-up operation o pagkukumpuni at rehabilitasyon.
Moira Encina-Cruz