Pasok sa lahat ng hukuman sa Metro Manila, suspendido simula 12NN dahil sa masamang panahon
Kanselado ang pasok sa lahat ng korte sa Metro Manila simula alas-12 ng tanghali ngayong Miyerkules bunsod ng masamang panahon.
Ayon sa Supreme Court Public Information Office, ipinagutos ni Chief Justice Alexander Gesmundo ang suspensyon ng trabaho sa lahat ng hukuman sa NCR.
Kabilang dito ang Korte Suprema, Court of Appeals, Sandiganbayan, Court of Tax Appeals, at lower courts.
Suspendido rin ang trabaho sa Office of the Court Administrator, Presidential Electoral Tribunal, at Judicial and Bar Council.
Ipinauubaya naman ni Gesmundo sa mga executive judges ng mga apektadong korte sa labas ng Metro Manila ang pagpapasya kung sususpendihin ang pasok o hindi.
Sa pinakahuling abiso ng PAGASA, nasa orange rainfall warning ang NCR at Cavite kaya may banta ng matinding pag-ulan, pagbaha, at pagguho ng lupa sa mga nasabing lugar.
Moira Encina