Pasok sa mga korte sa bansa sa October 31, half-day lang

Nag-abiso ang Office of the Court Administrator (OCA) na ipatutupad ang half-day work o early dismissal sa lahat ng hukuman sa bansa sa Oktubre 31.

Sa OCA circular na inisyu ni Court Administrator Raul Villanueva, sinabing ito ay para bigyan ng dagdag na panahon ang mga hukom at mga court personnel na makabiyahe sa kani-kanilang probinsya o lugar para sa November 1 holiday at makapag-ambag sa lokal na turismo.

Gayunman, tiniyak ng OCA na maaaring kontakin ng mga abogado ang mga korte, court users at litigants sa kanilang hotline numbers o email addresses hanggang ika-5 ng hapon ng October 31.

Inatasan din ng OCA ang mga hukuman na maglagay ng mga kaukulang abiso sa kanilang mga tanggapan ukol sa half-day na pasok.

Moira Encina-Cruz

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *