Passport on wheels,matagumpay na naisagawa sa Taguig city
Mahigit sa 750 na taguigeños ang nakakuha ng pasaporte sa ginanap na Passport on Wheels sa Taguig city University Auditorium.
Ang naturang programa ay inisyatibo ng pamahalaang lokal ng Taguig sa pamamagitan ng opisina ng City Civil Registry at ng Department of Foreign Affairs.
Layon ng lokal na pamahalaan ng Taguig na madaling makakapag-apply ng pasaporte ang mga mamamayan mula sa verification hanggang sa biometrics encapturing at maging sa pagdeliver ng pasaporte.
Nagpapasalamat naman ang taguigeños sa naturang programa na malaking tulong sa kanila upang madaling makakuha ng pasaporte.
Virnalyn Amado
Please follow and like us: