Patakaran ng IATF na hindi pa rin pinalalabas ang mga senior citizens kahit nabakunahan na laban sa COVID-19, kinuwestyon ng mga Senador
Kinukwestyon ng mga Senador ang patakaran ng Inter Agency Task Force na hindi pa rin pinalalabas ang mga Senior citizens kahit nabakunahan na laban sa COVID-19.
Sa pagdinig ng Senate committee on economic affairs sa lawak ng epekto ng pandemya sa ekonomiya.
Kinuwestyon ni Senador Cynthia Villar kung ano ang purpose ng bakuna dahil nananatiling naka lockdown ang mga nakatatanda.
Sana raw payagan na sila ng gobyerno na makalabas kahit makakain sa mga restaurants para makatulong sa pag-aangat ng ekonomiya.
Sinusuportahan ni Senador Imee Marcos ang pahayag ni Villar at iginiit na isinama sila sa priority sa babakunahan para hindi na maospital kung mahawa man ng virus.
Apila naman ni Senador Grace Poe paspasan ang pagbabakuna lalo na sa sektor ng mga manggagawa.
Ang pagbabalik raw kasi ng mga mangagawa ang solusyon sa lumalalang problema sa kahirapan dulot ng pagbulusok ng ekonomiya .
Kailangan aniyang paspasan pa ang vaccination roll out ngayong bumagsak na sa 7.1 percent ng populasyon ang walang trabaho dulot ng COVID 19.
Meanne Corvera