Patas na imbestigasyon sa kaso ng mangingisdang napatay sa Pangasinan, ipinangako ng Malacañang sa Vietnamese government
Makakaasa ang Vietnamese government ng patas na inbestigasyon sa kaso ng mga mangingisdang Vietnamese na napatay at nahuli sa lalawigan ng Pangasinan.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na nakikipag-ugnayan na ang Department of Foreign Affairs sa embahada ng Vietnam upang magkaroon ng access ang mga ito sa limang mangingisdang Vietnamese na nasa kustodiya ngayon ng Philippine Navy.
Ayon kay Abella nagkakaroon na rin ng masusing inbestigasyon hinggil sa pagkakapatay ng mga tauhan ng Philippine Navy na napatay habang nangingisda sa karagatang sakop ng lalawigan ng Pangasinan.
Inihayag ni Abella na handang makipagtuluggan ang pamahalaang Pilipinas sa Vietnamese government para magkaroon ng linaw ang naganap na insidente ng pagkakapatay sa dalawang mangingisdang Vietnamese at pagkakaaresto sa limang iba pa.
ulat ni vic somintac