Patay sa lindol sa bansa umakyat na sa pito
Umakyat na sa pito ang bilang ng mga namatay sa pagtama ng malakas na lindol sa katimugang bahagi ng Pilipinas, habang hinahanap din ng rescuers ang dalawa katao na pinangangambahang natabunan ng landslide.
Ang 6.7-magnitude na lindol na tumama sa Mindanao region nitong Biyernes, ay naging sanhi ng pagguho ng kisame ng isang shopping mall, nagbunsod ng pagkawala ng suplay ng kuryente at paglabasan ng mga tao sa kalsada.
Sinabi ni city police captain Ari Noel Cardos, na isang babae ang namatay nang mabagsakan ng debris mula sa isang mall sa General Santos City.
Bago ito ay nag-ulat din ang pulisya na isang couple ang naipit sa bumagsak na kongkretong dingding sa General Santos.
Isang katao rin ang namatay sanhi ng bumagsak na steel structure sa munisipalidad ng Glan, sa Sarangani province ayon kay police officer Paul Mesalido.
Sinabi ng rescuer na si Daniel Nocos, na gumamit ang mga bumbero ng pala upang hanapin ang dalawang miyembro ng isang pamilya na natabunan ng landslide sa isang liblib na mountain village, mga apat na oras ang layo mula sa Glan.
Aniya, “The village chief reported to us that a mother and her child were trapped beneath the rubble.”
Dagdag pa niya, isang excavator ang ipinadala upang tumulong sa paghahanap pero hindi pa nakararating sa lugar dahil sa hindi magandang lagay ng kalsada at nasirang tulay.
Sa ulat ng opisyal na National Disaster Risk Reduction and Management Council sa Maynila, nakasaad na may ikalawang namatay sa Glan at isa pa sa katabing munisipalidad ng Malapatan ngunit wala nang ibinigay na detalye.
Sa lalawigan naman ng Davao Occidental, iniulat ni police officer Patrick Laurente, na isang matandang lalaki ang nasawi nang gumulong papunta sa malapit sa kaniyang bahay ang isang malaking bato.
Dalawa katao rin ang nasaktan sa General Santos, habang 450 iba pa ang nilapatan ng lunas dahil sa panic at hirap sa paghinga.
Animnapung mga bahay ang sinira ng lindol, pati na ang 32 mga kalsada at tulay sa rehiyon.
Sinabi ng PHIVOLCS, na ang lindol ay malamang na bunsod ng paggalaw ng crust ng lupa sa kahabaan ng Cotabato trench, isang mahaba, makitid na depresyon sa seafloor na bumubuo sa hangganan ng isang tectonic plate na tumutulak sa isa pa.
Malimit lumindol sa Pilipinas, dahil ito ay nasa sa kahabaan ng Pacific “Ring of Fire,” na ang karamihan ay lubhang mahina para maramdaman ng tao.