Death toll sa malakas na lindol sa Taiwan, umakyat na sa 9; Higit 1,000 sugatan (update)
Umakyat na sa 9 ang namatay at higit 1,000 na ang nasugatan sa 7.4-magnitude na lindol na tumama sa Taiwan, Miyerkoles ng umaga.
Dose-dosenang gusali ang napinsala at gumuho sanhi ng pagyanig.
Una nang nagpalabas ng tsunami warnings, ang Taiwan, Japan at Pilipinas ngunit inalis rin kinalaunan.
Samantala, nasa 50 hotel workers ang naiulat na nawawala matapos ang lindol.
Ang lindol na ito ay ang pinakamalakas sa nakalipas na 25 taon.
Ayon kay Wu Chien-fu, direktor ng Seismology Center ng Central Weather Administration ng Taipei, “The earthquake is close to land and it’s shallow. It’s felt all over Taiwan and offshore islands.”
Napuno ang social media ng ibinahaging mga video at larawan ng mga gusaling gumuho habang nagaganap ang lindol.
A building in Taiwanese city Hualien is partially collapsed after Wednesday’s earthquake / CNA/AFP
Napaulat naman na nasarhan ang mga kalsadang patungo sa Hualien dahil sa landslides.
Ang Hualien ay isang lungsod sa baybaying-dagat na may mga bundok at may residenteng aabot sa 100,000 katao.
A Central News Agency photo shows emergency workers assisting a survivor after he was rescued from a damaged building in New Taipei City / CNA/AFP
Sa kabila ng naman ng Taiwan Strait, ibinahagi ng social media users sa eastern province ng Fujian, na nasa border ng southern province ng Gungdong, at sa iba pang mga lugar na naramdaman din nila ang malakas na pagyanig.