Patay sa pananalasa ng Hurricane Helene sa Southeastern US mahigit na sa 90
Sinimulan na ng Southeastern US ang malawak na cleanup at recovery effort nitong Linggo, at ang bilang ng mga namatay ay halos umabot na sa 100 matapos mawalan ng kuryente ang milyun-milyon dahil sa Hurricane Helene, nawasak ang mga kalsada at tulay at nagdulot ng matinding pagbaha mula Florida hanggang Virginia.
Ang hangin, ulan at storm surge ng bagyo ay pumatay ng hindi bababa sa 90 katao sa North Carolina, South Carolina, Georgia, Florida, Tennessee at Virginia, ayon sa Reuters tally ng state at local officials. Nangangamba ang mga opisyal na marami pang bangkay ang matutuklasan.
Dahil bagsak pa rin ang cellphone towers sa buong rehiyon, daan-daang tao ang hindi pa makakontak sa kanilang mga mahal sa buhay na napasama sa talaan ng “unacounted for.”
Sa pagtaya ng mga insurer at forecaster, ang mga pinsala ay tinatayang $15 bilyon hanggang higit sa $100 bilyon, dahil apektado ang water systems, komunikasyon at kritikal na mga ruta ng transportasyon.
Ang pinsala sa ari-arian at pagkawala ng economic output ay magiging mas malinaw, habang ina-assess ng mga opisyal ang pinsala.
Sa isang video conference sa mga mamamahayag, sinabi ni Sheriff Quentin Miller, na sa North Carolina, halos lahat ng mga namatay ay mula sa Buncombe County, kung saan 30 katao ang binawian ng buhay.
Sinabi naman ni County Manager Avril Pinder, na humingi na siya ng emergency food at inuming tubig para sa estado. Ang mga lansangan sa siyudad ng Asheville ay lubog sa tubig baha.
Ayon kay North Carolina Governor Roy Cooper, “This is a devastating catastrophe of historic proportions. People that I talk to in western North Carolina say they have never seen anything like this.”
Aniya, “Search and rescue teams from 19 states and the US government have converged on the state. Some roads could take months to repair.”
Sa Flat Rock, North Carolina naman ay may malawakang blackouts, at ilang oras ding pumila ang mga tao para makapagpakarga ng gas.
Kuwento ng 62-anyos na si Chip Frank, “Grocery stores are closed, cellphone service is out. It all depends on these gas stations. You’re not going to be able to go nowhere, and it’s just a scary feeling.”
Sinabi ng US Energy Department official, na halos 2.7 milyong customers sa buong South ang walang suplay ng kuryente nitong Linggo, mas mababa na ng 40% mula noong Biyernes pagkatapos ng anila’y “unprecedented storm surges, ferocious winds and perilous conditions extended hundreds of miles inland.”
Ang South Carolina ay nag-ulat ng 25 pagkamatay, 17 sa Georgia at 11 sa Florida, ayon na rin sa gobernador ng nabanggit na mga estado.
Iniulat naman ng CNN ang kabuuang 93 namatay sa buong South, banggit ang state at local officials.
Ngayong linggo ay plano ni President Joe Biden na bisitahin ang mga naapektuhang lugar, sa sandaling maaari na niya itong gawin nang walang maaabalang emergency services, ayon sa White House.
Si Helene ay nanalasa sa Gulf Coast ng Florida noong Huwebes, na nagdulot ng ilang araw na mga pag-ulan na sumira sa mga bahay na ilang dekada nang nakatayo.
Sinabi ng weather service, na sa baybayin ng Steinhatchee, napalipat ang mobile homes dahil sa isang storm surge, isang pader ng tubig-dagat na itinulak ng hangin sa pampang, na walo hanggang 10 talampakan (2.4 hanggang 3 metro). Ang ibang mga lugar ay nakakita ng storm surge na 15 talampakan (4.5 metro).
Sa kalapit na maliit na komunidad ng Spring Warrior Fish Camp, inalam ng mga tao ang pinsala at patuloy na naghintay para sa emergency o first responder aid.
Iniulat naman ng Weather Prediction Center ng National Weather Service, na ang ilan sa pinakamatinding pag-ulan ay tumama sa kanlurang North Carolina, kung saan halos 30 pulgada (76 cm) ang bumagsak sa Mount Mitchell sa Yancey County.
Umapaw ang tubig sa Lake Lure Dam sa Rutherford County, at ayon sa paglalarawan ng mga tao sa loob at paligid ng Chimney Rock, ang downtown ng village ay na-wash out. Ang mga larawan ay nagpakita ng mga naipong putik, nabunot na mga puno, naputol na mga linya ng telepono, at mga gusaling naging debris na lamang.