Patay sanhi ng malakas na pag-ulan sa India, umakyat na sa halos 60
Hindi bababa sa lumampu’t walo ang namatay, habang marami pa ang pinaniniwalaang nawawala bunsod ng mga pagbaha at pagguho ng lupa sa India na dulot ng malalakas na mga pag-ulan.
Dahil sa ilang araw nang pagbuhos ng malakas na ulan, maraming mag sasakyan ang tinangay ng tubig-baha, marami ring mga gusali at tulay ang nasira sa northern Himalayan states ng Himachal Pradesh at Uttarakhand.
Sa Himachal Pradesh, ay limampu katao ang nasawi sa nakalipas na bente kuwatro oras, kabilang ang siyam na namatay dahil sa pagguho ng isang Hindu temple sa Shimla.
Sinabi ni chief minister Sukhvinder Singh Sukhu, “There is no previous record of such rains and more than 50 deaths in the state in a 24 hour period — and this toll can go up further, because there are still about 20 people under the rubble.”
Dagdag pa niya, “The local administration is diligently working to clear the debris in order to rescue individuals who may still be trapped.”
Ayon sa mga opisyal, Hindi rin bababa sa walo ang naitalang nasawi mula pa noong Biyernes sa katabi nitong Uttarakhand state.
Ang mga larawan mula sa mga lugar na tinamaan sa Himachal Pradesh ay nagpakita ng mga bangkay na hinugot mula sa mga tambak ng naguhong lupa, na dumurog sa mga gusali at nagwasak ng mga bubong.
Libu-libong katao pa ang na-stranded matapos masira ang mga pangunahing lansangan, habang apektado naman ang suplay ng kuryente at komunikasyon dahil sa pagbagsak ng mga linya nito.
Sa kaniyang post sa social media, ay umapela si Sukhu sa mga residente na manatili sa loob ng kanilang bahay at iwasang gumawi malapit sa mga ilog. Isinara na rin aniya ang mga paaralan.
Flooding and landslides are common during India’s treacherous monsoon season, but experts say climate change is increasing their frequency and severity / AFP
Ipinahayag naman ng pangulo ng India na si Droupadi Murmu, na “nasaktan siya sa pagkawala ng buhay dahil malakas na pag-ulan” at nagpa-abot na ng pakikiramay sa mga pamilyang nagdusa sa Himachal Pradesh.
Nagkumahog naman ang rescue teams sa Uttarakhand upang alisin ang mga debris, sa pangambang may mga taong natabunan nang gumuho ang lupa dulot ng malakas na ulan.
Lima katao ang na-trap sa ilalim ng mga debris matapos magkaroon ng landslide sa isang resort malapit sa sikat na yoga retreat ng Rishikesh sa pampang ng ilog Ganges.
Sinabi ni District police superintendent Shweta Choubey, na isang batang babae ang nailigtas mula sa lugar ngunit ang iba pa niyang pamilya ay nasa ilalim pa rin ng gumuhong gusali.
Ilang mga bayan at nayon sa tabing-ilog sa parehong estado ang nasa panganib na makaranas ng flash flood, batay na rin pagtaya ng malakas na ulan sa rehiyon.