Pateros, hindi na gagamit ng service provider sa pamamahagi ng ayuda
Sinabi ni Pateros Mayor Miguel Ponce III na hindi tuloy sa araw na ito ang pamamahagi ng ayuda sa kanilang munisipalidad sa halip ay bukas na ito sisimulan.
Hindi na rin sila gagamit ng service provider sa halip ay pipila ang mga constituent at isang Barangay kada araw ang gagawin.
Matatandaang inangalan ng mga taga-Pateros ang gagawin sanang pagbawas ng 20 piso ng service provider sa bawat 1,000 pisong ayuda na ibibigay.
Napag- alaman na isang milyong piso sana ang service fee ng service provider.
Hindi naman na anya kakayanin ng Lokal na Pamahalaan na magbayad ng service fee sa provider dahil masyadong maliit na rin ang kanilang pondo.
Samantala, magpapatupad pa rin ng mahigpit na Health protocols sa gagawing pamamahagi ng ayuda.
Julie Fernando