Patricia Fox hiniling sa DOJ na rebyuhin at baligtarin ang desisyon ng BI na kanselahin ang kanyang missionary visa at paalisin siya sa bansa

Hiniling na ng Australyanong madre na si Patricia Fox sa DOJ na rebyuhin at baligtarin ang desisyon ng Bureau of Immigration na kanselahin ang kanyang missionary visa at paalisin siya sa bansa.

Sa 24 na pahinang petition for review, partikular na pinaparebisa ni Fox ang utos ng BI noong April 23 na nagkakansela sa kanyang missionary visa at nagpapalayas dito sa bansa at ang pagbasura ng kawanihan sa kanyang  motion for reconsideration noong May 23.

Hiniling din ni Fox na ibalik ang kanyang missionary visa.

Iginiit ng dayuhan na bahagi ng kanyang missionary work ang pagsali sa mga protesta.

hindi rin anya limitado sa mga Pilipino ang Bill of Rights sa 1987 Constitution na kumikilala sa freedom of religion, freedom of speech at freedom of expression.

Saklaw din anya ang mga banyaga nito alinsunod  sa mga naunang desisyon ng Korte Suprema.

Personal na nagtungo sa DOJ si Fox kasama ang kanyang mga abogado para sa paghahain ng petisyon.

Sinabayan naman ito ng protesta ng mga taga-suporta ng dayuhan sa labas ng DOJ.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *