Paul George, pumirma ng extension sa Los Angeles Clippers
LOS ANGELES, United States ( AFP) — Mananatili pa ng apat na taon ang forward na si Paul George sa Los Angeles Clippers, matapos pumirma ng contract extension sa koponan.
Sinabi ni George na dahil lumaki sya sa Southern California, kaya lagi niyang pinapangarap na maglaro sa Los Angeles, kung saan maaari siyang mapanood ng kaniyang pamilya at mga kaibigan.
Tinawag namang “an important moment” ng basketball operations president ng Clippers na si Lawrence Frank ang naturang deal.
Ayon kay Frank, hangad nilang magkaroon ng destinasyon ang mga manlalaro, kung saan maaari silang magtagumpay at tamasahin ito.
Pinuri naman ng head coach na si Tyronn Lue, ang versatility at leadership nito.
Si George ay nakuha ng Clippers noong July, 2019 at sa kaniyang unang season kasama ang koponan ay nakagawa siya ng 21.5 points, 5.7 rebounds, 3.9 assists at isang career-high shot na 41.2 percent mula sa three-point range.
Hindi inilabas ng Clippers ang terms ng deal, subalit ayon sa isang pahayagan na binanggit ang dalawa kataong may nalalaman sa kontrata, maaaring kumita si George ng hanggang $226 million sa loob ng limang taon at may player option pa sya para sa final season sa 2024-25.
© Agence France-Presse