Payapang pagkilos sa Labor day, ipinanawagan ng Manila Police District

Nanawagan ang Manila Police District o MPD  sa ibat-ibang grupo na gawing mahinahon ang isasagawang mga pagkilos sa Labor day, May 1.

Ayon sa pamunuan ng MPD, sa bisperas pa lamang ng Labor day ay maglalatag na sila ng sapat na puwersa para magbigay seguridad sa mga inaasahang kilos protesta sa lungsod partikular na sa tanggapan ng DOLE.

Tiniyak namang muli ng MPD na hindi magmumula sa pulisya ang tensiyon laban sa mga magsasagawa ng demonstrasyon.

Sinabi ni MPD Spokesperson Supt. Erwin Margarejo, ito’y dahil paiiralin nila ang utos ng PNP na maximum tolerance.

Tatangkain din ng MPD na makipag-ugnayan sa mga grupong magkikilos-protesta para pakiusapan ang mga ito na gawing mapayapa ang isasagawang pagkilos sa lungsod.

 

==============

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *