Payola sa Customs tuloy pa rin kaya nakakalusot ang mga illegal na kargamento

Tuloy pa rin ang pagbibigay ng bribe money o weekly payola sa Bureau of Customs kaya maraming kargamento ang nakakalusot gaya ng nangyari sa animnaraang kilo ng shabu na narekober sa Valenzuela City.

Ayon kay Senador Panfilo Lacson, nagpapatuloy pa rin ang three o clock habit o pagbibigay ng payola tuwing Biyernes.

Sa impormasyon ni Lacson, umaabot sa 27 hanggang 30 thousand pesos kada container ang ibinibayad ng mga may-ari ng container van.

Sa tantiya ni Lacson, umaabot sa sampung libong container van ang dumadaan sa Customs araw-araw.

Nangangahulugan ito na aabot sa 270  million pesos ang nawawala sa kaban ng bayan dahil sa tara system o katumbas ng 98.55 billion pesos kada taon.

Sabi ni lacson, ito ang dahilan kaya bigo pa rin ang gobyerno na maabot ang target collection.

Sa pagdinig sa Senado nauna nang kinuwestyon ni Lacson kung paanong lumusot sa green lane ang kargamento ng EMT trading na naglalaman ng shabu na hindi na dumaan sa inspeksyon.

Giit  ni Lacson, marami pang katiwaliang mabubunyag sa pagdinig ng Senado sa susunod na linggo na hindi pa nabusisi na pagdinig kahapon at imbestigasyon ng Kamara.

Ulat ni: Mean Corvera

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *