PBBM bibiyahe sa Indonesia para daluhan ang 42nd ASEAN Summit
Matapos ang matagumpay na 5-day working visit sa Estados Unidos at pagdalo sa coronation ni King Charles III sa London, naghahanda naman siPangulong Ferdinand Marcos Jr. para bumiyahe pa-Indonesia.
Dadalo si Pangulong Marcos sa 42nd Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) Summit simula sa May 9, 2023.
Isasagawa ang regional meet sa Labuan Bajo Indonesia mula May 9 hanggang 11, 2023.
Tatalakayin ng Chief Executive sa summit ang usapin ng long-term food at energy security, economic recovery, transnational crimes, at ang pangangailangan na itaas ang technical at vocational education, gayundin ang training.
Sinabi rin ni Foreign Affairs Deputy Assistant Secretary Angelito Nayan na ia-angat din ni Pangulong Marcos ang isyu ukol sa adoption ng climate change at disaster resilient technologies, paglipat sa renewable at alternative energy technologies, at proteksyon para sa migrant workers.
Inaasahan ding bibigyang-diin ni Pangulong Marcos ang halaga na maipakita sa rehiyon ang ASEAN centrality sa harap ng mga geopolitics issue, particular ang tension sa South China Sea.
Sinabi ni DFA Spokesperson Ambassador Ma. Teresita Daza na sa May 10 ang pormal na pagsisimula ng 42nd ASEAN Summit.
Posible naming magkaroon din ng pakikipag-usap si Pangulong Marcos sa mga lider ng kapwa ASEAN at non-ASEAN countries sa sidelines ng annual meeting.
Weng dela Fuente