PBBM , binigyan ng special recognition ang mga healthcare worker sa Amerika
Sa gitna ng trahedya ,kayo ang naging haligi ng pag-asa . kayo ang bagong bayaning Pilipino .“
Ganito isinalarawan ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. ang mga healthcare worker sa Amerika.
Sa kaniyang talumpati sa Filipino Community sa New york, sinabi ng Pangulo na ang Filipino nurses sa U.S ay bumubuo sa apat na porsiyento at mahigit sa 200 ang namatay dahil sa COVID-19.
Sa New york city lamang nasa 30 pinoy healthcare workers ang binawian ng buhay .
Ipinarating ng Pangulo ang kaniyang pakikidalamhati sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng mga namatay .
Samantala, sa panahon ng kaniyang speech ay pinatayo ni PBBM ang mga healthcare worker na naruon at pinasalamatan ang mga ito na kinabibilangan ng mga nurse, duktor, teacher, emergency response workers , service employees at iba pa.
Kasabay nito ay nagpasalamat muli ang Pangulo sa kanilang serbisyo at sakripisyo.