PBBM : digital transformation napapanahon upang mapalago ang ekonomiya ng bansa
Dinaluhan ni Pangulong Ferdinand Bong bong Marcos jr. ang National Information and Communications Technology (ICT) Summit ng DICT sa Manila hotel.
Pangunahing pandangal ang Pangulo sa naturang summit na may temang toward a citizen-centric, inclusive and sustainable Egovernance ecosystem .
Tinalakay ang napapanahon na digital transformation na isa rin sa isinusulong ng BBM administration.
Ayon sa Pangulo sa pamamagitan ng pagsasaayos ng digital infrastructure at pagpapalakas ng cybersecurity at digital workforce sa bansa, ay tiyak na gaganda ang ating serbisyo.
Sinabi naman ni Department of Budget and Management Assistant Secretary Clarito Alejandro Magsino na sinusunod nila ang nais ng Pangulo na palakasin ang gobyerno sa tulong ng ICT para maiabot ang pangangailangan ng mga mamamayan at mapaunlad ang uri ng kanilang pamumuhay.
Dagdag pa ni Magsino, ang digital transformation ng bansa ay makakamit kung ang lahat ng mga industriya ay magkakaroon ng iisang hangarin.