PBBM hinikayat na kumilos na sa illegal drugs campaign – VACC
Panahon na para manghimasok si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kampanya laban sa illegal na droga.
Ito ang apela ni Arsenio ‘Boy’ Evangelista, presidente ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) sa harap ng kontrobersya sa sinasabing cover-up sa imbestigasyon ng 990kg ng shabu na nakumpiska sa isang drug bust sa Tondo, Maynila noong Oktubre ng nakaraang taon.
Sa nasabing drug bust inaresto si Police MSgt. Rodolfo Mayo Jr.
Sa panayam ng NET25 TV/Radyo program Ano sa Palagay Nyo? (ASPN) sinabi ni Evangelista na kailangang magpakita na nang ngipin ang administrasyon para mas maging epektibo ang kampanya laban sa illegal na droga.
“PBBM should come now, he should send a strong message, and there should be
certainty of arrest and conviction. Hangga’t walang nakukulong na opisyal, alam
natin ang mga Pinoy matatakutin pag may nakulong,” paliwanag pa ni Evangelista.
Lumalabas aniyang talo ang taong-bayan at ang bansa sa nangyayaring sabwatan
sa illegal drugs.
Bukod dito, dagdag ni Evangelista na nadungisan na naman ang imahe ng Philippine National Police (PNP).
Pinuri naman ng VACC si Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos sa paglalabas ng usapin bagama’t ang pagbubunyag aniya ay posibleng magresulta ng samaan ng loob sa hanay ng kapulisan.
“VACC is giving recognition (to Sec. Abalos), we salute him, it will create animosity, magkaka-isyu sa relationship with PNP.
Sang-ayon si Evangelista na dapat may managot sa kasong ito at bilang mga commander, maging ang matataas na opisyal ng PNP ay responsable.
Weng dela Fuente