PBBM ibinida na lumago ang ekonomiya ng Pilipinas sa kaniyang unang taon ng termino
Ipinagmalaki ni Pangulong Bongbong Marcos na lumago ang ekonomoya ng pilipinas sa unang taon ng kaniyang termino
Sa kaniyang talumpati sa ikalawang SONA, sinabi ng Pangulo na umabot sa 7.6 percent ang growth rate sa ekonomiya noong 2022 ang pinakamataas na paglago ng ekonomiya ng bansa sa nakalipas na 46 na taon.
Nagawa aniya ito ng Pilipinas kahit maraming kinaharap na problema ang bansa kabilang na diyan ang COVID 19 pandemic at giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine na nagresulta ng mataas na inflation rate o pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo.
Sa pagtaya aniya ng mga ekonomista ang pilipinas ang isa sa ikinukunsidera sa fastest growing economy sa asian region
“7.6 growth in 2022 – highest growth rate in 46 years – first quarter this 6.4 percent remains target considers among the fastest growing economy testament to strong Macro Economic Fundamentals” pahayag ng Punong Ehekutibo.
Sabi ng Pangulo puspusan ang mga hakdang ng administrasyon para mapalakas pa ang ekonomiya
Kabilang na diyan ang kontruksyon ng mga proyektong pang imprastraktura na natustusan dahil sa tumaas na koleksyon ng Bureau of Internal Revenue at Bureau of Customs
Sa buong bansa ayon sa Pangulo may 194 na mga proyekto sa ilalim ng build better more program na gagastusan ng 8.3 trillion
Ilan diyan ang road network na magdudugtong sa mga major island sa Pilipinas gaya ng 1,200 kilometer Luzon spine expressway na magdudugtong mula Ilocos patungong Bicol region na umani ng palakpak sa mga mambabatas
“The program notably includes the Bataan-Cavite interlink bridge and the Panay-Guimaras-negros island bridges, each spanning 32 kilometers, and the samal island-davao city connector bridge.in just few years travel form Pampanga to Laguna decreas in 2 hours” pagbibida pa ng Pangulo.
Meanne Corvera