PBBM iginiit na patuloy na ididepensa ang soberenya at karapatan sa West Phl Sea
Sa gitna ng nagpapatuloy na tensyon sa West Philippine Sea, pinasalamatan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ang gobyerno ng Australia sa patuloy na suporta sa maritime claims ng Pilipinas.
Sa kaniyang naunang pahayag sa Parliament of Australia sa Canberra, iginiit ni Pangulong Marcos ang kahalagahan na protektahan ang South China Sea.
Nagpahayag naman ng paghanga ang Pangulo ng Australia sa pagsusulong at pagdepensa sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).
“We draw strength from the consistent and unequivocal support of Australia and the international community for the lawful exercise of our rights, which have been settled under international law. And so, on behalf of the Filipino people, I thank you, Australia, for standing with the Republic of the Philippines,” pahayag ni Pangulong Marcos Jr.
Binigyang- diin ni PBBM na mananatili ang posisyon ng gobyerno ng Pilipinas sa pagdepensa sa soberanya at hurisdiksyon nito.
Iyan ay sa kabila ng ginagawang paghahamon ng mga barko ng China.
Nitong Marso 5, sa pinakabagong insidente sa WPS ay nagkabanggaan ang barko ng Philippine Coast Guard at China Coast Guard.
Apat na crew naman ng resupply boat na Unaiza May 4 ang nasugatan matapos bombahin ng tubig ng dalawang barko ng CCG.
Madelyn Moratillo