PBBM ikinasiya ang $2.5B investment ng isang Thai company sa agri sector ng bansa
Ikinatuwa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang plano ng Charoen Pokphand Group (CP Group) ng Thailand na mamuhunan ng USD2.5 billion o katumbas ng P140.8 bilyon sa sector ng agrikultura sa bansa.
Una rito, nag-courtesy call sa Malakanyang ang mga opisyal ng kumpanya.
Ang investment plan na ito ay resulta ng pakikipagpulong ni Pangulong Marcos sa C.P. Group nang bumisita siya sa Thailand noong nakaraang taon.
Kapaloob sa pamumuhunan ang para sa swine (US$1.3 billion), poultry (US$280 million), shrimp (US$800 million), at food (US$120 million).
Ayon kay Pangulong Marcos, nais niyang ma-replicate sa bansa ang state-of-the-art technology ng CP.
Sa nasabing pulong, hiningi naman ng kumpanya ang tulong ng gobyerno para sa pag-locate ng angkop na lupa para sa aquaculture ng mga hipon, at 300 ektarya para naman sa swine at poultry.
Madelyn Moratillo