PBBM iniutos ng adoption ng bagong istratehiya laban sa money laundering,terrorist at weapon financing.
Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang lahat ng ahensya ng gobyerno na gumamit ng mga bagong istratehiya para labanan ang money laundering at counterterrorism financing.
Sa ilalim ng inilabas na Executive Order no. 33, partikular na iniutos ng Pangulo sa mga ahensya ng gobyerno na i-dopt ang National Anti-Money Laundering, Counter-Terrorism Financing, and Counter Proliferation Financing Strategy (NACS) 2023-2027.
Sa statement na inilabas ng Presidential Communications Office (PCO), layon ng kautusan na tugunan ang International Cooperation Review Group (IGRG) Action Plans, tiyakin na maka-alis ang PIlipinas sa Grey List ng Financial Action Task Force (FATF) ang pagbutihin ang anti-money laundering, counter terrorism financing, at counter proliferation financing (AML/CTF/CPF) regime sa pamamagitan ng adoption ng nasabing financing strategy.
Nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang EO 333 noong Hulyo 4, 2023 at inamyendahan ang EO 68 na ibinaba noon ng Duterte administration.
“In accordance with their respective mandates, all departments, agencies, bureaus, and offices of the national government, including government-owned or -controlled corporations (GOCCs) are directed, and all local government units are encouraged, to formulate and implement relevant strategy plans and programs to execute the NACS 2023-2027,” nakasaad sa EO.
Pinalitan din ng bagong EO ang titulo ng dating National Anti-Money Laundering and Countering the Financing of Terrorism Strategy sa National Anti-Money Laundering, Counter-Terrorism Financing and Counter-Proliferation Financing Strategy.
Idinagdag din ang sub-committee on Proliferation Financing o ang paggamit ng pondo para gumawa, maglipat o mag-imbak ng nuclear, chemical at biological weapons.
Sa ilalim ng kautusan binigyan ng kapangyarihan ang National AML/CFT Coordinating Committee (NACC) para i-reorganisa ang sub-committees habang idinagdag naman ang National Intelligence Coordinating Agency (NICA) bilang bagong miyembro ng NACC.
Uupong chairman ng NACC ang executive secretary, habang ang governor naman ng Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP, na siyang concurrent chair ng Anti-Money Laundering Council (AMLC), bilang vice chair.
Magiging bahagi ng coordinating counsil ang mga mga pinuno ng NACC members gaya ng mga hepe ng Department of Foreign Affairs (DFA), Department of Finance (DOF), Department of Justice (DOJ), Department of National Defense (DND), Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Trade and Industry (DTI), Securities and Exchange Commission (SEC), Insurance Commission, Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), Cagayan Economic Zone Authority, Aurora Pacific Economic Zone at Freeport Authority, gayundin ang NICA.
Iniutos din ni Pangulong Marcos ang reorganisasyon ng Terrorism Financing and Proliferation Sub-committee sa dalawang magkahiwalay na sub-committee – ang Terrorism Financing Sub-committee at ang Proliferation Financing Sub-committee.
Weng dela Fuente