PBBM lalagdaan ang Maharlika Investment Fund sa lalong madaling panahon
Nakahanda na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na lagdaan ang panukalang Maharlika Investment Fund (MIF) bill sa sandaling makarating na ito sa kaniyang tanggapan.
Sa isang ambush interview matapos ang anniversary event ng Securities and Exchange Commission (SEC) sa Makati City, sinabi ng Pangulo na sa lalong madaling panahon niya inaasahang malagdaan ang panukala.
“I will sign it as soon as I get it,” tugon ni Pangulong Marcos nang tanungin kung kailan niya ito pipirmahan.
At sa tanong kung kuntento siya sa ipinasang bersyon ng Kongreso?
“Am I happy? Well that is the version that the House and the Senate has passed and we will certainly look into all the changes that have been made.”
Sinabi ni Pangulong Marcos na mahalaga kung sino ang mga pipiliin para mamuno at mangasiwa sa MIF.
“The key to the success any fund, hedge fund, pension fund, sovereign fund, investment fund is the management,” pagdidiin pa ng Punong Ehekutibo.
Binigyang-diin pa ng Pangulo ang importansya na maging independent ang MIF mula sa gobyerno at dapat mga propesyunal ang mamamahala rito.
“One of the first changes that even I proposed to the House was to remove the President as part of the board, to remove the Central Bank chairman, to remove the Department of Finance because it has to operate as an independent fund, well managed professionally,” dagdag ng Pangulo.
Paliwanag pa ni Marcos may ilang mga mahuhusay na money managers at financial managers na maaaring tawagin para sa gampanin.
Binigyang diin pa ng Pangulo na karamihan sa pagbabagong ginawa sa panukala ay may kinalaman sa mga naging pangamba ng publiko sa panukala.
“Most of the changes that were proposed and that eventually we adopted really have to do with the safety and the security of people’s pension fund, dun nag-alala ang tao,” paliwanag pa ni Pangulong Marcos.
Nitong miyerkules, nilagdaan ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang enrolled bill ng Maharlika Investment Fund sa bakuran ng Philippine Embassy sa Washington DC kung saan siya nagsasagawa ng isang working visit.
Kasunod nito ang pagpapalagda ng enrolled bill kay House Speaker Martin Romualdez bago ang transmittal sa Office of the President (OP) para sa paglagda at ganap na pagsasabatas ni Pangulong Marcos.
Weng dela Fuente