PBBM maghanda, maging alerto sa pag-aalburuto ng Mayon
Maghanda at maging alerto sa pag-aalburuto ng bulkang Mayon.
Ito ang ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos jr. sa mga kinauukulang ahensya at mga lokal na pamahalaan, matapos maobserbahan ang abnormal na sitwasyon sa Mount mayon sa Albay.
Ayon sa Pangulo, patuloy ang pakikipag-ugnayan niya sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at iba pang ahensya para matiyak na nakahanda at ligtas ang mga residente.
Inilagay sa alert level 2 ang mayon dahil sa mababaw na proseso ng magmatic na posibleng mauwi sa phreatic eruptions.
Kaya naman pinapayuhan ang publiko na huwag munang pumasok sa Permanent Danger Zone (DPZ) para maiwasan ang panganib mula sa biglaang pagsabog, pagbagsak ng mga bato at pagguho ng lupa.
Bawal din ang pagpapalipad ng eroplano malapit sa tuktok ng bulkan dahil sa posibleng biglaang pagsabog ng bulkan.