PBBM mananatili pa rin bilang kalihim ng DA

Hindi pa handa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na iwanan ang pagiging kalihim ng Department of Agriculture (DA)

Sa ambush interview kay Pangulong Marcos matapos ang turn-over ng Urea fertilizer sa Valenzuela City, sinabi nito na aayusin muna ang sistema at istruktura sa kagawaran.

Matapos magtalaga ng mga permanenteng kalihim sa Department of Health (DOH) at Department of National Defense (DND), natanong ang Pangulo kung may napipisil na siyang humalili sa kaniya sa DA.

Mula nang maupo sa administrasyon, hinawakan na rin ni Pangulong Marcos concurrently ang DA portfolio.

“Marami, tinatanong ko sa kanila lahat, inaantay ko mag-volunteer sila mag-Secretary, ayaw ako paalisin eh. So, hangga’t matapos… the truth of the matter is that we have really managed to make some very important structural changes in the Department of Agriculture. So, iniisa-isa natin ‘yan,” pahayag pa ng Pangulo.

Hangad ni Pangulong Marcos na na matulungan ang sektor ng agrikultura at matiyak ang food security sa bansa.

“Kaya’t ang aking hangarin para sa DA ay pag iniwanan ko ang DA by that time, we will have systems in place so that we can guarantee the food supply of the Philippines, number 1; we can guarantee that the prices are affordable; and, number 3, that our farmers make a good living.”

Giit ng Chief Executive na hangga’t hindi niya naisasakatuparan ang lahat ng mga pagbabago sa DA ay pagtiyagaan muna siya.

magugunita na sa pag-upo ni PBBM sa puwesto ay nagkaroon na ng krisis sa pagkain, mataas na presyo ng mga bilihin, fertilizer, langis at iba pa.

Hangga’t matapos natin ‘yun, i suppose you will just have to put up with me as DA secretary,” dagdag pa ng Pangulo.

Ayaw din masayang ng Pangulo ang mga nasimulan na niyang pagbabago sa ahensya gaya ng unti-unti pagtatag ng presyo ng mga produktong pang-agrikultura, pagpapataas ng produksyon at pagtiyak ng sapat na supply ng bigas, mais gayundin sa fisheries at livestock.

“So, ‘yan ang ating mga ginagawa ngayon para naman hindi na tayo umabot sa krisis na sitwasyon kagaya ng nadatnan natin after the pandemic,” pahayag pa ni Pangulong Marcos.

Weng dela Fuente

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *