PBBM, nagpahayag ng pagkabigla at matinding kalungkutan sa pagkamatay ni dating Japanese PM Shinzo Abe
Nagpahayag ng pagkabigla at matinding kalungkutan si Pangulong Ferdinand “Bongbong’ Marcos, Jr., sa pagkamatay ni dating Japanese Prime Minister Shinzo Abe, kung saan tinawag niya itong isang visionary leader at isang tapat na kaibigan ng Pilipinas, habang nagpapaabot ng pakikiramay sa mga mamamayan ng Japan sa ngalan ng buong Pilipinas.
Ayon sa kaniyang pahayag . . . “On behalf of the Philippine Government and the Filipino people, among whom he counts many friends and admirers, I offer my most profound sympathies to his family and the entire Japanese nation. Mr. Abe was a visionary leader who saw Japan through its most difficult times. He was a devoted friend and a supporter of the Philippines, and it was during his leadership that the Philippine-Japan relations truly flourished.’
Binanggit ng bagong halal na pangulo ng bansa, na sa panahon ng liderato ni Abe ang Japan ay nagkaloob ng epektibong tulong sa Pilipinas.
Aniya . . . “The warmth he demonstrated in the numerous visits he made to our country will never be forgotten, and will be written as one of the most exceptional periods in our bilateral history. I earnestly hope and pray for strength for the Japanese nation during this time of mourning.”
Si Shinzo Abe ang pinakamatagal na nagsilbi bilang prime minister ng Japan, na nagsulong ng maambisyosong reporma sa ekonomiya at nagpatibay ng mga pangunahing diplomatikong ugnayan, habang nilalabanan ang mga eskandalo.
Napilitang magbitiw sa puwesto dahil sa halos dalawang taong hindi magandang lagay ng kaniyang kalusugan, ang 67-anyos ay binaril habang nangangampanya sa western region ng Nara kahapon, Biyernes, July 8.
Inilipat siya sa isang lokal na pagamutan at namatay doon pagkaraan ng halos limang oras, ayon sa mga opisyal ng ospital.
Si Abe ay 52-anyos nang maging prime minister noong 2006, ang pinakabatang naupo sa naturang posisyon sa postwar era.
Nang maging Prime Minister si Abe, ang pangulo noon ng Pilipinas ay si Gloria Macapagal-Arroyo.
Sa unang opisyal na pagbisita ni Abe sa bansa noong December 2006, sinabi ng noo’y pangulong si Arroyo na nakasabay ito ng ika-50 taong anibersaryo ng relasyon ng Pilipinas at Japan.
Nang si Abe ay muling mahalal bilang Prime Minister noong 2012 na ipinagsilbi niya hanggang 2020, ipinagpatuloy niya ang pagtulong sa Pilipinas na nasa ilalim na noon ng pumanaw na dating Pangulong Benigno Aquino III, at kalaunan noong 2016 ay sa ilalim ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa huling pagbisita ni Abe sa bansa bilang Prime Minister, ay nagtungo rin siya ang tahanan ni dating Pangulong Duterte sa Davao City noong Enero 2017.