PBBM nagpugay sa mga ‘fallen soldiers’ sa Arlington Cemetery
Nagpugay si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga namatay na sundalong Amerikano sa kaniyang pagbisita sa Arlington National Cemetery.
Pinangunahan ni Pangulong Marcos ang wreath laying sa Tomb of the Unknown Soldiers, isang historic monument para sa lahat ng mga sundalong namatay sa digmaan ngunit hindi pa natagpuan o nakilala.
Kasunod ng seremonya ay binigyan ng tour si Pangulong Marcos sa museum.
Ang pagbisita ng Pangulo sa Arlington Cemetery ay bahagi ng huling araw ng kaniyang 5-day official visit sa Estados Unidos at kasunod ng mga high-level dialogues na isinagawang Pangulo kabilang ang pakikipagpulong kina US President Joe Biden at US Vice President Kamala Harris.
Kasama ng Pangulo sa pagbisita sa Arlington Cemetery sina House Speaker Ferdinand Romualdez, Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, Phlippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez, National Security Adviser Eduardo Año, at Special Assistant to the President Secretary Antonio Lagdameo Jr.
Weng dela Fuente