PBBM nagtalaga ng mga bagong opisyal sa gobyerno
Nagtalaga ng mga bagong opisyal sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan si Pangulong Ferdinand Marcos.
Sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) na kabilang sa mga itinalaga si Rolando Macasaet bilang President at Chief Executive Officer (CEO) ng Social Security System (SSS) sa ilalim ng Department of Finance (DOF).
Na-appoint naman bilang undersecretary sa Department of Energy sina Sharon Garin at Allesandro Sales, habang uupo naman bilang Assistant Government Corporate Counsel si Kath Rina Maria Reyes sa ilalim ng Office of Government Corporate Counsel (OGCC) ng Department of Justice (DOJ).
Itinalaga rin ni Pangulong Marcos si Joey Concepcion bilang miyembro ng Micro, Small and Medium Enterprise Development Council (MSMEDC) na kakatawan sa Luzon at Melanie Ng para kumatawan sa Visayas.
Uupo naman bilang Member ng Board of Director sa Manila Economic and Cultural Office (MECO) sa ilalim ng Office of the President (OP) si Corazon Padiernos.
Itinalaga rin bilang Acting Member sa Board of Trustees ng Asian Productivity Organization (APO) Production Unit Inc. sa ilalim ng Presidential Communications Office (PCO) si Gil Carlos Puyat, gayundin si Mohamad Raizuli Dimaporo bilang Acting Member sa Board of Directors ng Al-Amanah Investment Bank of the Philippines sa ilalim ng Department of Finance (DOF)
Kabilang din sa itinalaga ng Pangulo ang mga bagong direktor sa Department of Migrant Workers (DMW), Department of Social Welfare and Development (DSWD), National Economic and Development Authority (NEDA), National Security Council (NSC), Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD), Department of Public Works and Highways (DPWSH), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Transportation (DOTr) at Philippine Space Agency (PSA).
Weng dela Fuente