PBBM nanawagan na itaas pa ang kalidad ng pelikulang pilipino
Hinimok ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Katipunan ng mga Artistang Pilipino sa Pelikula at Telebisyon o KAPPT na itaas pa ang kalidad ng pelikulang Pilipino.
Sinabi ni PBBM na ang pelikula ay epektibong instrumento para ipakita hindi lamang ang kulturang pinoy kundi maging ang mga progresong nakamit na ng bansa.
Tiniyak naman nya ang tulong ng gobyerno sa industriya ng pelikula at telebisyon.
“I am pleased to hear your oath and commitment to responsibly lead our very own actors guild and to know that the government has a genuine and reliable partner in all of you,” pahayag ni PBBM sa oath taking ng mga opisyal ng KAPPT.
Ayon sa Pangulo, ang mga pelikula at ang telebisyon ay nagsisilbing epektibong plataporma para sa makabuluhang dayalogo at positibong pagbabago.
Kinilala din nito ang mga hakbang ng grupo para matiyak ang kapakanan ng local film and television industry workers, pagbibigay trabaho at oportunidad sa publiko at makatulong sa ekonomiya ng bansa.
Umaasa naman ang Pangulo na sasamantalahin ng mga ito ang makabagong teknolohiya at bagong mga plataporma para maipakita sa mundo ang galing ng mga Pinoy.
Madelyn Moratillo