PBBM, pinatitiyak ang tulong sa mga naapektuhan ng oil spill sa Bataan
Mahigpit ang bilin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno na tiyakin ang tulong sa mga naapektuhan ng oil spill dahil sa lumubog na tanker sa Bataan.
Inatasan din ng Pangulo ang Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of Science and Technology (DOST), at ang Philippine Coast Guard (PCG) na magtulungan para i-assess ang epekto ng oil spill.
“Can we add an instruction to the DENR to make already an assessment on the environmental impact of this?,” pahayag ng pangulo.
Pinatutukoy rin ng Pangulo sa mga environmental expert ang mga baybaying apektado ng oil spill para sa agarang tulong. Gayundin, ipinahahanda na rin ang tulong sa mga maaapektuhan.
Tinututukan ngayon ang lumubog na MT Terra Nova sa Limay, Bataan na may kargang 1.4 milyong litro ng industrial fuel oil.
Madz Villar-Moratillo