PBBM posibleng bumisita sa Australia– DFA
May oportunidad umano si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bumisita sa Australia.
Sinabi ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, ito ay sa Marso 2024 para sa ika-50 anibersaryo ng ASEAN-Australia dialogue relations.
Sinabi pa ni Manalo na posible rin ang bilateral visit ni Pangulong Marcos sa mapagkakasunduang petsa ng dalawang panig.
Nagpasalamat ang foreign affairs chief sa sustained at high-level engagements ng Pilipinas at Australia na sumasalamin sa matatag na ugnayan ng dalawang bansa.
Tiwala ang kalihim na magpapatuloy ang high-level engagements na ito habang nagtutulungan ang dalawang bansa sa maraming areas of mutual interest.
Moira Encina