PBBM sinaksihan ang sink exercises sa isinasagawang Balikatan 2023 sa Zambales
Sinaksihan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang isinagawang Combined Joint Littoral Live Fire Exercise sa pagitan ng Pilipinas at United States of America armed forces sa pagpapatuloy ng 2023 Balikatan Exercises sa San Antonio, Zambales.
Ang aktibidad ang highlights sa Balikatan Exercises ngayong taon na nilalahukan ng 17,600 Filipino at American military personnel, na siyang pinakamalaking military drill sa 38 taon ng Balikatan.
Layon ng pagsasanay na pagbutihin ang joint at combined capabilities ng mga tropa sa maritime security, amphibious operations, live-fire exercise, urban operations, aviation operations at counter-terrorism.
Inobserbahan ng Commander-in-Chief ang pagpapakawala ng rocket launcher na tinawag na High Mobility Artillery Rocket System (HIMARS) na maaaring gamitin sa malayong target.
Sa isinagawang Combined Joint Littoral Live Fire Exercise ngayong araw itatampok ang sinking exercise ng BRP Pangasinan ng Philippine Navy, ang barkong pandigma noong World War II na na-decommissioned noong 2021.
Sa pagsasanay, ituturing ang barko na adversarial vessel at target na palubugin, habang nakaposisyon sa 12 nautical miles mula sa coastal waters ng San Antonio.
Ayon kqy Lt. Gen. William Jumey, commander ng U.S. Marine Corps Forces at tumatayong U.S. exercise director, ang pagsasanay ay makakatulong sa pagpapalakas ng Interoperability ng AFP at US Armed Forces.
Una nang nilinaw ng AFP na ang pagsasanay ay hindi makakaapekto sa kasalukuyang tensyon sa West Philippine Sea at walang pinatutungkulan na anumang bansa.
Matatapos ang Balikatan Exercises ngayong taon sa April 28, 2023.
Mar Gabriel