PBBM target mapalakas ang lokal na produksyon ng mga gamot
Upang masiguro ang sapat na suplay ng gamot sa bansa lalo sa panahon ng emergency, isinusulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapalakas ng drug manufacturing.
Sa pakikipagpulong ng Pangulo sa Private Sector Advisory Council o PSAC at mga nasa sektor ng kalusugan, sinabi nito na noong kasagsagan ng lockdown dahil sa Covid-19 pandemic ay nakita ang problema sa suplay ng gamot sa bansa.
Ang Department of Health (DOH) naman at Food and Drug Administration (FDA) ay makikipagtulungan sa pribadong sektor sa pagtukoy ng mga gamot na pwedeng i-produce locally.
Ang PSAC, naman ang magmo-monitor ng mga bagong healthcare technologies na maaaring gamitin sa geographically isolated at disadvantaged areas.
Para naman makatulong na mapababa ang presyo ng mga gamot, mas palalakasin din ang digitalization ng information systems ng FDA.