PBBM, umaasang magiging mabunga ang pag-uusap nila US President Biden
Umaasa si Pangulong Bongbong Marcos na magkakaroon sila nang mabungang pag-uusap ni U.S. President Joe Biden sa kaniyang pagdalo sa 77th Session of the United Nations general assembly sa New york.
Sinabi ni PBBM sa pagharap niya sa Filipino community sa New york na gumawa sila ng plano at humingi ng panahon sa mga kinatawan na makikilahok sa general assembly na makausap ang mga ito at para sa ikabubuti ng ugnayan at karagdagang investments sa Pilipinas.
Dagdag pa ng chief executive na ang bilateral alliance ng Pilipinas sa Estados unidos ay nananatiling matatag at naniniwala itong mas magiging malakas pa ito sa mga darating na taon.