PCG aminadong malaki ang epekto nang pagtigil ng Philippine Red Cross na itigil ang libreng covid- 19 test
Aminado ang Philippine Coastguard o PCG na malaki ang epekto nang pagtigil ng Philippine Red Cross na itigil ang libreng Covid-19 test para sa mga OFW.
Ayon kay PCG Spokesperson Capt. Arman Balilo, balik mano mano ang lahat ng proseso na kanilang ginagawa.
Sa pag fill-up ng mga form at labeling sa mga pinaglalagyan ng swab sample sulat kamay na aniya ang ginagawa ngayon.
Hindi rin aniya agad masalang sa swab test ang mga ito dahil sa mano mano narin ang pre-swab process.
Ang mga swab sample naman ay tingi tingi na rin aniya ang paghahatid sa mga laboratoryo.
May 100 slot lang kasi aniya ang nakalaan sa bawat isang government laboratory.
Ang resulta naman hindi na i-email ng direkta sa pasyente.
Balik na aniya sa proseso na ang command center ang magbibigay ng resulta sa pasyente kapag negatibo ang resulta at Bureau of Quarantine naman kapag positibo ito sa virus.
Kailangan din aniyang mag reorganize ng task group paea sa mano manong sistema na ito.
Ayon pa kay Balilo sa dami ng trabaho wala ng tulog ang kanilang mga tauhan na nagpoproseso sa mga dumarating na Overseas Filipinos sa bansa.
Una rito itinigil na ng PRC ang pagsasagawa ng libreng covid 19 testing para sa mga OFW, medical frontliners, at iba pang pinoy mula nitong Oktubre 15 dahil sa utang na 930 milyon ng Philhealth.
Madz Moratillo