PCG at Chinese vessels , muling nagkagirian sa WPS
Muling nagsagawa ng maritime patrol ang BRP Malapascua ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Kalayaan Island Group.
Ayon sa PCG, sa ginawang pagpapatrolya, may mga namataang iba’t ibang foreign-flagged vessels gaya ng China Coast Guard Vessels at People’s Liberation Army-Navy Type na Jiangdao II Class Missile Corvette.
Sa Sabina Shoal, may 20 Chinese at Vietnamese vessels na nakita ang PCG.
Ang 2 barko ng China Coast Guard nakapwesto malapit sa shoal.
Ilang beses rin na nag-radio challenge ang PCG pero hindi sumagot ang mga ito.
Nag-deploy rin ang PCG ng rigid-hull Inflatable Boats para pa-alisin ang mga dayuhang barko malapit sa Sabina shoal.
Sa may Pag-asa Island naman nagpalitan ng radio challenges ang BRP MALAPASCUA at Navy vessel ng China na armado ng missile nangyari ito sa layong 12 nautical miles mula sa isla.
Habang nagpapatrolya naman sa Ayungin Shoal, nag-radio challenge din ang BRP Malapascua sa namataang barko ng China Coast Guard, pero ang ginawa nito binuntutan ang barko ng PCG sa distansyang pagitan na 1,600 yards.
Nilapitan rin umano ng barko ng China ang nakasadsad na BRP Sierra Madre ng Philippine Navy sa Ayungin shoal.
Ang PCG ay regular ng nagsasagawa ng patrolya sa west philippine sea bilang bahagi ng pagpapalakas ng presenya ng Pilipinas sa pinag-aagawang teritoryo.
Madelyn Villar-Moratillo