PCG at Japanese counterpart nagsagawa ng kauna-unahang bilateral meeting
Nagsagawa ng kauna-unahang bilateral meeting ang Philippine Coast Guard at Japanese Coast Guard sa Tokyo, Japan noong May 24.
Ayon sa PCG, nakatuon ito sa mga pamamaraan para makontra ang piracy, matiyak ang pagbuo ng kapasidad, sa Maritime Safety and Security (MSP) master’s program, at sa maritime security operations.
Ang bilateral meeting ay idinaos dalawang araw bago ang PCG, JCG at ang kanilang Indonesian counterpart ay nagsagawa ng integrated maritime drills sa paligid ng katubigan ng Makassar, Indonesia.
Ayon sa PCG, sa panahon ng Regional Marine Pollution Exercise (MARPOLEX) 2022, ang Philippine, Japanese at Indonesian coast guards ay nagsagawa ng search and rescue, firefighting, at oil spill response activities upang “subukin, suriin, at pagbutihin ang kanilang maritime capabilities.”
Ang biennial MARPOLEX ay isang implementasyon ng 1981 Sulawesi Sea Oil Spill Response Network Plan Agreement.
Ang MARPOLEX ngayong taon ang ika-22 pagkakataon na isinagawa ang maritime exercise simula nang itatag ito noong 1986.
During the bilateral meeting, PCG Commandant Admiral Artemio M. Abu thanked JCG Commandant Admiral Okushima Takahiro for their support in boosting the capabilities of PCG personnel through training and other capacity-building initiatives.
Sa bilateral meeting, pinasalamatan ni PCG Commandant Admiral Artemio M. Abu si JCG Commandant Admiral Okushima Takahiro sa kanilang suporta sa pagpapalakas ng mga kakayahan ng mga tauhan ng PCG, sa pamamagitan ng pagsasanay at iba pang capacity-building initiatives.