PCG at Navy hinimok na paigtingin ang pagpapatrolya sa West Phil Sea
Kinondena ng mga Senador ang China sa pahayag nitong itigil ng Pilipinas ang aktibidad sa West Philippine Sea para hindi na magresulta ng mas malalang tensyon.
Sa naunang pahayag ni Chinese Foreign Ministry Spokesman Wang Wenbin sinabi nitong dapat itigil ng Pilipinas ang pagpapatrolya sa isla na maaring magpalala sa sitwasyon.
Pero ayon kay Senator Richard Gordon, sa halip na itigil, dapat paigtingin pa ng Philippine Coastguard at Philippine Navy ang pagpapatrolya sa teritoryong sakop ng exclusive economic zone ng bansa.
Statement of Senator Richard Gordon
(We should continue and even increase our coastguard patrols and naval monitoring of our territory and exclusive economic zones. The Chinese statement is patently erroneous as it is based on its nine-dash line claim, which has been rejected in the ruling of the Permanent Court of Arbitration in The Hague)
Paalala ni Gordon ang claim ng China ay batay lamang sa nine dash line na ibinasura na ang permanent court of arbitration.
Binatikos ng Senador ang China sa panawagan nitong respeto samantalang sila ang agresibong kumikilos para angkinin ang mga teritoryong sakop ng Pilipinas.
Giit naman ni Senator Francis Tolentino ang hakbang ng China ay paglabag sa general principle ng international law.
Meanne Corvera