PCG, itinanggi na tumanggap ng suhol ang kanilang tauhan sa Binangonan sub station
Wala umanong katotohanan ang pahayag ng kapitan ng tumaob ng Motorbanca na Aya Express na tumatanggap ng suhol ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard sa Binangonan sub station.
Giit ni PCG Spokesperson Rear Admiral Armand Balilo, itinanggi na rin ng kanilang personnel ang alegasyon.
Wala aniyang tinatanggap na anumang bagay ang kanilang mga tauhan kapalit ng anumang pabor.
Sa pagdinig ng Senado, sinabi ng kapitan ng Aya Express na nagbigay siya ng saging at 50 pesos sa coast guard personnel kapalit ng pabor.
Giit ni Balilo, nauna ng itinanggi ng nasabing kapitan ang pagbibigay ng alak sa kanilang tauhan.
“That’s absurd. I do not think our personnel would resort to accepting banana and fifty pesos in exchange of favors. Tha Captain denied giving liquors to our personnel. Our personmel also denied demanding any of these irems. Wala silang tinatanggap.” – PCG Spokesperson Rear Admiral Armand Balilo
Tiniyak naman ni PCG Commandant Admiral Artemio Abu na hindi nila kinukunsinti ang pagkakamali ng kanilang mga tauhan kung mapapatunayan na nagkaroon ng kapabayaan sa kanilang panig.
Katunayan, pagkatapos ng Binangonan incident ay agad sinibak ang kanilang tauhan na naka duty ng mangyari ito.
Madelyn Moratillo