PCG nagtayo ng Command observation post sa West Phil Sea
Nagtayo ng Command Observation Posts ang Philippine Coast Guard sa Likas Island, Lawak Island, at Parola Island na bahagi ng West Philippine Sea.
Ayon kay PCG Commandant Admiral Artemio Abu, layon ng command posts na ito na mapalawak ang maritime domain awareness ng PCG sa West Philippine Sea.
Bawat isang command post, may smart house at mayroon rin itong nakainstall na radio communications.
Malaking tulong aniya ito sa monitoring ng galaw ng mga barko at mabilis na pagresponde sakaling magkaroon ng mga insidente sa karagatan.
Si National Task Force for the West Philippine Sea at National Security Council Adviser, Secretary Hermogenes Esperon suportado ang ginawang inisyatiba ng PCG.
Ayon kay Esperon, malaking tulong ang mga nasabing command post para magsilbing guide sa mga barko domestic man o international na dumadaan sa karagatang sakop ng Pilipinas.
Madelyn Villar-Moratillo