PCG, naka heightened alert narin sa inaasahang pananalasa ng Bagyong Rolly
Kasabay ng inaasahang pananalasa ng Bagyong Rolly sa bansa, naka heightened alert na ngayon ang Philippine Coast Guard.
Kaugnay nito, inatasan na ni PCG Commandant, Admiral George Ursabia Jr., ang mga Coast Guard districts, stations, at sub-stations sa mga lugar na tatamaan ng Bagyo na maging alerto upang maiwasan ang mga posibleng maritime incidents.
Inatasan rin nito ang Coast Guard Districts sa Bicol, Eastern Visayas, Southern Tagalog, at Northern Luzon na ihanda ang kanilang mga deployable response groups.
Layon nitong matiyak ang kahandaan ng kanilang mga tauhan at pag-asiste sa mga lokal na pamahalaan lalo na sa paglikas o pagsagip sa mga residente na maaapektuhan ng Bagyo.
Ang mga CGD ay binubuo ng mga expert divers, rescue swimmers, paramedics, at K-9 units.
Ang mga PCG sub-station personnel naman ang inatasan na makipag-ugnayan sa mga mangingisda sa kanilang mga nasasakupan na iwasan muna ang pagpalaot sa panahon ng bagyo.
May inilabas naring Notice to Mariners upang paalalahanan ang mga sasakyang-pandagat na magshelter muna para narin sa kanilang kaligtasan
Madz Moratillo