PCG nakaalerto sa posibleng epekto ng Bagyong Pepito sa bansa
Naka-alerto na ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard sa posibleng maging epekto ng Bagyong Pepito sa bansa.
Ayon kay PCG Spokesperson Commodore Armand Balilo, mahigpit ang kautusan ni Commandant George Ursabia na sa kabila ng pagiging abala dahil sa COVID-19 ay huwag pababayaan ang pagtutok at pagresponde sa panahon ng mga bagyo at iba pang emergency situation.
Sinabi pa ni Balilo, hindi naman nabago ang regulasyon ng PCG tuwing may bagyo nadagdagan nga lang ngayon dahil kailangang masunod ang mga safety at health protocols.
Inihayag pa ni Balilo, nakamonitor din sila sa mga stranded sa mga pantalan partikular sa mga lugar na dadaanan ng Bagyo.
Sa pinakahuling update ng PCG Command Center, wala pa namang mga stranded na mga pasahero o mga sasakyang-pandagat.
Madz Moratillo