PCG nakapagtala ng higit 14,000 mga pasahero ngayong Sabado
Nakapagtala ang Philippine Coast Guard (PCG) ng higit 14,000 pasahero sa mga pantalan sa buong bansa, mula alas-12:00 ng hatinggabi hanggang ala-6:00 kaninang umaga.
Ayon sa PCG, 8,706 na mga pasahero ang outbound habang 6,127 naman ang inbound.
Ininspeksiyon naman ng higit 2,300 frontline personnel na naka-deploy sa 15 PCG districts ang 127 vessels at 130 motorized bancas.
Isinailalim ng PCG sa heightened alert ang kanilang districts, stations, at sub-stations para pangasiwaan ang pagdagsa ng mga pasahero kaugnay ng mahal na araw ng mga katoliko mula April 8-18.
Dagdag pa ng ahensiya, kasama na rin dito ang summer vacarion kung saan inaasahan ang pagdagsa ng local tourists na bibiyahe sa dagat para magbakasyon hanggang sa May 31, 2022.
Hinimok din ng PCG ang publiko na makipag-ugnayan sa ahensiya sa pamamagitan ng kanilang official Facebook page o Coast Guard Public Affairs contact number 0927-560-7729 para sa mga katanungan, concerns, at clarifications tungkol sa sea travel regulations sa panahon ng mahal na araw ng mga katoliko at summer vacation.