PCG, nasa full-alert status; Commandant George Ursabia nag-inspeksyon sa Manila North Harbor at Manila Yacht Club
Naka-full alert status ang lahat ng Philippine Coast Guard (PCG) District, Station, at Sub-Station sa buong bansa bilang paghahanda sa posibleng pinsala ng Bagyong Rolly.
Todo naman ang paghahanda ng mga Coast Guard unit sa Bicol, Southern Tagalog, NCR, at Eastern Visayas na pinaka-apektado ng bagyo.
Nakamonitor 24 oras ang PCG Command Center para masigurong agad na mabibigyang aksyon ang anumang insidente na matatanggap sa mga susunod na oras.
Patuloy rin ang pakikipag-ugnayan ng PCG sa lokal na pamahalaan para matulungan ang mga apektadong pamilya at makapagbigay ng agarang medical o rescue assistance, kung kinakailangan.
Samantala, nag-ikot naman si PCG Commandant Admiral George Ursabia Jr sa Manila North Harbor para tignan ang mga preparasyon sa bagyo.
Maging sa Manila Yacht club para alamin kung nakashelter na ang mga barko doon.
Samantala, bilang pag-iingat, nagpapatupad na ngayon ng preemptive evacuation ang lokal na pamahalaan ng Imus, Cavite sa mga lugar na nasa mababang lugar at flood prone areas.
Partikular rito ang mga Barangay Poblacion 4-A, Poblacion 4-D at Pag-asa 2.
Kabilang naman sa mga inilaang evacuation center sa Imus ay ang Imus Pilot Elementary School at Tinabunan Elementary School.
Madz Moratillo