PCG, pagpapaliwanagin ng Senado sa pagbili ng luxury vehicle
Pagpapaliwanagin ng Senado ang Philippine coastguard sa pagbili ng luxury vehcile kahit may umiiral na ban para dito.
Sa Annual Audit Report ng Commission on Audit, lumitaw na bumili ang coastguard ng isang six cylinder na Toyota land cruiser prado na nagkakahalaga ng limang milyong piso noong nakaraang taon na pina bullet proof pa.
Sinabi ni Senador Koko Pimentel na sa susunod na buwan posibleng matalakayna ang pambansang budget para sa 2024 at kasama sa kanilang uusisain ano ang batayan ng coastguard sa pagbili ng mamahaling sasakyan.
Iginiit ni Pimentel na dapat maging maingat ang mga tanggapan ng gobyerno sa paggastos ng pondo ng taumbayan.
Paalala naman ni Senador Sonny Angara, may umiiral na mga patakaran sa gobyerno hinggil sa pagbili ng mga sasakyan.
“Dapat aware sila sa mga admin issuances at sa mga polisiya ng gobyerno sa pagbili ng mga sasakyan. yan ang trabaho ng mga abogado at legal officers nila. “ ….pahayag ni Senador Sonny Angara
Tinukoy ni Angara ang Administrative Order number 14 na inisyu noong 2018 na nagbabawal sa lahat ng tanggapan ng gobyerno sa pagbili o paggamit ng luxury vehicle sa anumang operasyon.
Kasama sa mga itinuturing na luxury vehicle kapag ang kotse, sedan, van o anumang sasakyan ay lagpas na sa 2500 cylinder,
Meanne Corvera