PCG patuloy ang spill response operations sa vicinity waters ng Limay, Bataan
Ibinihagi ni Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson, CG Rear Admiral Armando Balilo, ang patuloy na isinasagawang paglalagay ng oil dispersants ng mga tauhan ng Marine Environmental Protection (MEP), at pagkolekta sa emulsified oil sa lugar na naapektuhan ng paglubog ng MT Terra Nova.
Nakipagpulong na rin ang mga opisyal ng Coast Guard sa mga kinatawan ng concerned shipping company at contracted salvor, upang pag-usapan ang pagpapatupad ng kanilang plano at timeline para sa siphoning operation.
Photo: PCG FB
Ayon kay Balilo, “Base sa pag-aaral ng ating mga MEP personnel, considering na 34 meters deep ang pinaglubugan ng barko, kayang matapos ang siphoning within seven days. Walang dapat ipag-aalala, pero hindi kami nagpapakampante. We are still preparing for the worst-case scenario to address the potential negative impact to the marine environment.”
Samantala, ibinahagi rin ng tagapagsalita ng Coast Guard ang assessment ng PCG kaugnay ng oil spill trajectory sakali mang mangyari ang ‘worst-case scenario,’ na makaaapekto sa vicinity waters ng Parañaque, Manila, Navotas, Bulacan, at Pampanga.
Photo: PCG FB
Dagdag pa ng opisyal, “We are utilizing our manpower, mobilizing our resources, consulting with experts, and collaborating with LGUs and other stakeholders to avoid a marine environment catastrophe.”
Nakaantabay naman ang Coast Guard divers para sa underwater assessment, sa sandaling bumuti na ang lagay ng panahon.
Nagsasagawa na rin ng joint marine casualty investigation ang PCG at ang Maritime Industry Authority (MARINA), sa pangunguna ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista.