PCG, PN, PNP Maritime Group at iba pang law enforcement agencies at ahensya ng gobyerno nagsagawa ng tinawag na Alalayan Exercise 2023 sa bahagi ng Manila Bay.
Dito ipinakita nila ang kanilang mga kakayahan sa pagtugon sa ibat ibang sitwasyon na pwedeng mangyari sa karagatan.
Ginamit rin nila rito ang communication platform na ibinigay ng European Union na malaking tulong daw para inter-operability ng mga kalahok na government agencies.
Nagkaroon ng ibat-ibang senaryo kanina gaya ng kunwari ay may barkong nakapasok sa teritoryo ng Pilipinas na may dalang iligal na droga, smuggled goods… mayroon ring insidente ng kunwaring human trafficking.
Nagkaroon rin ng kunwaring sunog na inapula naman gamit ang water cannon ng barko ng PCG.
Ang maritime exercise na ito ginawa ilang araw matapos ang August 5 incident sa West Philippine Sea kung saan binomba ng barko ng China ang mga barko ng Philippine Coast Guard at mga bangka na may dalang supplies para sa mga sundalo sa BRP Sierra Madre.
Pero ayon kay Vice admiral Roy Echiverria director ng national coast watch center… hindi ito show of force..
Nilinaw rin nya na ginagamit lang nila ang water canon sa mga fire incident sa karagatan.
Pero sa ilang pambihirang pagkakataon gaya ng kung halimbawa ay may nagkagulo at kinakailangang gumagamit ng water canon handa aniya silang gamitin ito.
Madelyn Moratillo