PCG tiwalang makikitang buhay ang mga sakay ng nawawalang ambulance helicopter sa Palawan

Hindi nawawalan ng pag-asa ang Philippine Coast Guard na may makikita pang buhay mula sa nawawalang ambulance helicopter sa Palawan.

Ang Yellow Bee ay may sakay na 5 katao kabilang ang isang pasyente at medical personnels ng ito ay umalis at mawalan ng signal.

Ayon kay PCG spokesperson Rear Admiral Armando Balilo sa ngayon wala paring malinaw na kumpirmasyon kung nagcrash nga ba talaga ang nasabing helicopter na patuloy paring pinaghahanap.

Kahapon, may natagpuang unan at gas tank ang search and rescue team sa bahagi 13.64 nautical miles mula sa Balabac sa Palawan.

Ang unan, kinumpirma mismo ng tiyuhin ng pasyente na sakay ng nawawalang helicopter na pag- aari ito ng pamangkin.

Pero ang nakitang  gas tank, hindi pa matiyak kung galing ba talaga sa Yellow Bee dahil may posibilidad na galing ito sa iba at nalaglag lang sa karagatan.

Tiniyak ng PCG at Philippine Airforce ang patuloy na paghahanap sa 5 nawawalang sakay ng nasabing helicopter.

Madelyn Villar – Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *